Malaki ang naging pasasalamat ni Nueva Ecija Gov. Aurellio “Oyie” Umali at ng buong Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng ahensya at departamento ng pamahalaan na tumutok at nagbantay noong kasagsagan ng bagyong Lando.
Kaya bilang pasasalamat,naghandong ng isang Appreciation Dinner ang punong lalawigan para sa itinuturing niyang mga tunay na bayani na idinaos sa Convention Center sa lungsod ng Palayan.
Kasabay nito, binigyan ng mga plake ang lahat ng ahensya at provincial department offices bilang tanda ng kanilang mga kabayanihan.
Sa kabila ng mga ngiti sa kanilang mga labi, iba’t ibang mukha ng karanasan mula sa mga volunteer ang sa kanila’y maririnig ngunit gayunpaman hindi mababakas sa mga ito ang paghihirap at naging sakripisyo sa nagdaang bagyo na labis na puminsala sa Central Luzon partikular sa Nueva Ecija.
Kaugnay nito, ibinalik ng mga volunteer ang pasasalamat at pagkilala bilang isang bayani kay Gov. Oyie dahil sa pagiging “hands on” ng gobernador sa panahon ng mga kalamidad gaya ng bagyong Lando.
Samantala, kabilang sa mga pinasalamantan ni Gov. Oyie ang mga ahensya at department offices sa lalawigan gaya ng mga sumusunod:
Volunteers
BUREAU OF FIRE (BFP) – N.E
BUREAU OF FIRE(BFP) – REGION 3
PLAN INTERNATIONAL
PNP-NEPPO
RED CROSS – N.E
PHILIPPINE RED CROSS
PHILIPPINE COAST GUARD
DEPARTMENT OF INTERIOR & LOCAL GOVERNMENT (DILG) – N.E.
PHILIPPINE ARMY
PHILIPPINE NAVY
SARUF
RPSB III SEARCH & RESCUE TEAM
MMDA
WILDERNESS SEARCH & RESCUE (WISAR) TEAM
PHILIPPINE AIR FORCE
LATTER DAY SAINTS CHARITY
703RD (AGILA) BRIGADE PHILIPPINE ARMY
71D (KAUGNAY) DISASTER RESPONSE COMPANY
71D (KAUGNAY) 2ND COMPANY DISASTER RESPONSE UNIT
3RD INFANTRY BATALLION (71D)
48TH INFANTRY BATALLION (71D)
PDRRMO – N.E
TEAM CABANATUAN
5057
NE-TV48
OCEANA GOLD EMERGENCY RESPONSE TEAM
OCD 161
PILIPINAS 911
DEPARTMENT OF EDUCATION – N.E
VICTOR DEL ROSARIO RICE MILL
RAHA PURE FORCE
PSDWO
PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY (PPSC) – N.E
-Ulat ni MARY JOY PEREZ