Bigo ang Sierra Leone sa pag pigil sa pag kalat ng ebola sa kanilang lugar. Pero ano nga ba ang nararamdaman ng mga taong nakatira dito?

Isa sa pinaka kinatatakutang virus sa ngayon ay rumaragasa sa West Africa kung saan patuloy na tumataas ang kaso nito sa Sierra Leone. Kamakailan lamang ay kinuha ng mga health workers ang anak ni Nyuma Tommy chief ng isang tribo sa Sierra Leone.

Ayon sa kanila ang pagdala sa kanyang anak ay hindi nangangahulugan na gagaling ito dahil karamihan sa mga dinadala sa mga quarantined areas ay hindi na  nakakabalik pa. Isang premonisyon na nangyari sa anak ni Nyuma.

“At that time, most people weren’t coming back from the treatment centers – they went there to die,We knew letting him go was saying goodbye.” – Tommy Nyuma, Chieftain West African tribe

Hindi na nga naka uwi pang muli ang anak ni Nyuma isang masakit na pangyayaring hatid ng Ebola sa mga pamilya ng mga naulila.

Kasali ang Sierra Leone sa poorest country sa buong mundo kaya naman hindi na kataka taka na walang kahandaan ang lugar pagdating sa pag laganap ng sakit na Ebola. Tulong mula sa mas malalakas na bansa yan lamang ang pinaka malakas na sandata ng West Africa sa Ebola.

Bigla na lamang humahandusay sa daan ang mga taong infected ng sakit na ito. Sumpa ang tingin ng ilang tribo sa Ebola noong nagsisimula pa lamang kumalat ang sakit kaya naman itinatakwil kadalasan ng pamilya ang mga taong nagkakaroon nito.

Sa unti unting paghina ng katawan kadalasan pa ay pinandidirihan at kinatatakutan ang nararanasan ng  mga taong nagkakaroon nito. Inaabot ng kamatayan sa quarantined areas na hindi manlamang nakakausap ang pamilya bago tuluyang igupo ng sakit.

Ang bangis ng Ebola ay hindi lamang nakaka apekto sa pisikal na kalagayan ng isang tao kundi pati na rin sa emosyonal na nararamdaman nito habang dumadaan sa karamdaman. Sa ngayon ay hindi pa rin tapos ang delubyong hatid nito dahil kumakalat pa rin ang ebola sa Sierra Leone.- Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio