Positibo sa Ebola Reston Virus ang mga unggoy na naka-quarantine sa isang pasilidad sa loob ng bansa ito ang ibinalita ng Department of Health kamakailan na ikinatakot ng marami.
Agad namang nag labas ng pahayag ang DOH bago pa man mag panic ang mga tao dahil sa balitang ito.

DOH Secretary Janette P. Loreto-Garin
“Maraming klase ng Ebola. Merong Ebola na grabe ang epekto sa hayop nguni’t hindi naapektuhan ang tao. This is a possible case of Ebola Reston. Ito ang pinakamabait na Ebola Virus sa tao,”
Kaya naman hindi umano dapat mag panic ang mga tao dahil hindi ito ang klase ng ebola na kinatatakutan sa West Africa.

EBOLA Virus //Hand out CDC/Reuters
Sa kasalukuyan ay mayroong ilang sub type ng ebola
- Bundibugyo
- Reston
- Sudan
- Taï Forest o ivory coast
- Zaire

“ naka quarantine ang mga unggoy na nag positibo sa Ebola “-DOH
Sa katunayan ang ebola reston virus ay walang masamang maidudulot sa kalusugan ng isang tao. Hindi rin umano accessible sa publiko ang nasabing pasilidad kaya malaki ang tsansa na hindi ito makapang hawa sa ibang unggoy at maging sa tao. Upang makasigurado ay sumailalim sa blood test ang dalawamput limang mga tauhan ng pasilidad upang ma kumpirma kung sila ba ay nahawa sa mga kontaminadong mga unggoy.
Sinaksakan din ng ERV antibodies gamit ang ELISA or Enzyme Immunoserbent assay ang mga personnel ng pasilidad. –Balita ni Philip “Dobol P” Piccio